Photo from San Vicente LGU

SAN VICENTE, Palawan –Walo ang bagong naidagdag na kaso ng COVID 19 sa bayan ng San Vicente, araw ng Sabado Mayo 29, ayon sa ulat ng Municipal Health Office (MHO).

Sa kabuoang bilang, tatlo ang RT-PCR confirmed at lima naman ang naging reactive sa rapid antigen test (RAT).

Photo from San Vicente LGU

Dahil dito, umakyat na sa 62 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa San Vicente. Sa bilang ay 26 ang RT-PCR confirmed at 36 ang reactive sa antigen test.

Nangunguna ang Barangay New Agutaya na may kabuoang 20 na aktibong kaso. Sinundan ito ng Poblacion na may 18 at Brgy. Alimanguan na may 15.

Lima naman ang naitala sa Brgy. Port Barton, tatlo sa Brgy. San Isidro, at dalawa sa Brgy. Sto Nino.

Previous articleMga magsasaka sa bayan ng San Vicente nakatanggap na ng fertilizer vouchers
Next articleHybrid tourism summit tackles growing confidence in MICE
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.