Nagtala ng 29 bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Rizal ngayong buwan ng Enero, base sa huling ulat na inilabas ng Municipal Health Office (MHO)

Ayon sa MHO, ang mga bagong kaso mula sa pitong barangay na kinabibilangan ng 13 sa Punta Baja; walo sa Iraan; dalawa sa Campong Ulay; isa sa Ransang; tatlo sa Candawaga, isa sa Culasian, at isa sa Taburi.

Nananatili namang COVID-19 free ang apat na barangay na kinabibilangan ng Bunog, Canipaan, Latud, at Panalingaan.

Dagdag ng MHO, 27 sa mga pasyente ay nasa isolation facility habang ang dalawa naman ay nasa pagamutan ng bayan at kasalukuyan nang nagpapagaling.

- Advertisement -

Sa kabuuang report ng MHO mula noong nakalipas na taon, may kabuuang 723 ang naitalang kaso ng COVID sa bayan na ito. Nasa 678 sa mga ito ang gumaling habang 16 ang binawian ng buhay.

Ayon naman kay Dr. Katreen Stephanie Luz Micu, municipal health officer, patuloy ang kanilang isinasagawang malawakang mga pagbabakuna sa mga barangay na mas lalo pang pinaigting sa gitna ng banta ng Omicron variant.

Aniya, patuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng mga paalala sa lahat ng mamamayan para sa mahigpit na pagsunod sa health and safety protocols lalo na ang pag-iwas sa mga mass gatherings sa kanilang mga komunidad.

“Kahit fully-vaccinated na, mag-ingat pa rin ang lahat. Umiwas kung kinakailangan upang hindi na tumaas ang kaso ng COVID-19,” pahayag ni Micu.

Previous articleKaso ng COVID-19 muling tumataas sa bayan ng Brooke’s Point
Next articleKomunidad sa Brgy. Ipilan sa Narra, nakararanas ngayon ng kakulangan ng suplay ng tubig
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.