Photo from Google Maps

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga munisipyo ng Roxas at San Vicente, base sa magkakahiwalay na inilabas na ulat ng mga awtoridad sa mga bayan na nabanggit.

Sa Roxas, nagtala ng 17 bagong kaso ng COVID-19 at 26  bagong recoveries, ayon sa ulant ng Municipal Health Office (MHO) noong Miyerkules, Hunyo 2.

Kabilang sa mga bagong kaso ang dalawang lalaking edad 16 at 35 na nagmula sa Barangay New Barbacan, apat na lalaking edad 47, 28, 36, at isang babaeng edad 29 mula sa Barangay 3; limang lalaking edad 23, 30, 18, 32, 32 at apat na babae mga edad 6, 32, 24, at 58, isang 49 taong tulang na lalaki mula sa Brgy. Minara, at isang 82 taong gulang na babae mula sa Brgy. Iraan.

May kabuuang bilang na 39 aktibong kaso sa bayan na ngayon ay nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine (GCQ) status.

Samantala, naitala ang anim na bagong kaso ng COVID-19, samantalang 19 naman ang naitalang recoveries sa San Vicente, ayon sa ulat na inilabas ng Municipal Health Office (MHO).

Umakyat na sa 86 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayang ito kung saan, 16 ang positibo sa RT-PCR test at 70 naman ang antigen reactive.

Nasa 23 naman sa mga ito ay asymptomatic, 62 ang may mild symptoms, at may isang naka-admit pa rin sa ospital.

Previous articleCovid sheriffs sa Puerto Princesa, nag-iisyu na ng notice of violation
Next articleMga residente ng Cebu, huli sa Agutaya dahil sa hulbot na pangingisda
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.