Melched Casangcapan Servana, alyas Eset, 39, residente ng Sitio Marabahay.

Inaresto ng mga awtoridad ang isang 39 taong gulang na karpintero dahil sa hinalang pagtutulak ng shabu noong gabi ng Huwebes, July 29, sa Sitio Canomay, Barangay Rio Tuba, Bataraza.

Kinilala sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPPO) sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos ang suspek bilang si Melched Casangcapan Servana, alyas Eset, 39, residente ng Sitio Marabahay sa nasabi rin na barangay.

Inaresto siya sa isang joint buy-bust operation na ikinasa ng Bataraza MPS, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit (PIU), 1st PPMFC, at PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa ilalim ng PDEA 4B.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nakabili sa suspek ang undercover agent ng mga ahensya ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na nakalagay sa isang plastic sachet at nagkakahalaga ng P1,000.

- Advertisement -

Mayroon din itong more or less isang gramo ng umano ay shabu na nagkakahalaga ng P4,000.

Nakuhanan din ito ng bamboo clipper na diumano ay ginagamit sa pagre-repack ng shabu at iba pang paraphernalia, kabilang na ang isang unit ng cellphone na maaaring ginagamit din nito sa transaksyon.

Previous articleSSS urges employers to use online platform to file sickness, maternity benefit reimbursement claims
Next articleActress Maja Salvador shows off bikini body on yacht in El Nido
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.