Isang karpentero na wanted sa kasong acts of lasciviousness ang inaresto noong ika-14 ng Hulyo sa Brgy. Malaking Patag sa bayan ng Culion ng mga pulis sa bisa ng isang warrant na ipinalabas ng korte.

Ang suspek ay kinilala bilang si Jessie Ojana Grate, 29, residente ng nasabi rin na barangay.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office (PPO), si Grate ay naaresto ng mga pulis na mula sa Brgy. Buluang sa bayan ng Busuanga dahil sa kinakaharap na kasong acts of lasciviousness.

Pinayagan siyang maglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P36,000 matapos maaresto sa bisa ng warrant na pirmado ni Judge Arnel Cezar ng Regional Trial Court Judicial Region, Branch 163 sa Coron noong ika-25 ng Hulyo.

“Patuloy ang ating operasyon sa mga ganitong wanted persons. Hindi tayo tumitigil. Nagsasagawa rin ang ating mga municipal police stations (MPS) ng monitoring, pagsilbi ng search warrants, paghuli sa mga lumabag sa illegal drugs, hindi tayo tumitigil dyan,” ayon kay Ramos.

Samantala, isa pang suspek sa kasong murder ang naaresto naman ng mga pulis ng Taytay dahil sa kasong murder.

Kinilala niya itong si Joey Rivera Flores, 20, isa ring karpentero at residente naman ng Sityo Igang, Brgy. Poblacion, sa natura rin na bayan.

Ayon kay Ramos, walang kaukulang piyansa na itinakda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Naaresto siya sa bisa ng warrant na ipinalabas noong ika-7 ng Mayo ni Judge Anna Leah Y. Tiongson-Mendoza ng RTC Fourth Judicial Region, Branch 164 na nakabase sa bayan ng Roxas.

Sa ngayon, ang mga naaresto ay nasa pangangalaga ng mga kinauukulang police stations.

Previous articleLTO and DOTr extension offices urged for Narra, Brooke’s Point
Next articleThe disaster month of July
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.