- Advertisement by Google -

Tumilapon sa kalsada ang isang magsasaka matapos aksidenteng mabangga ng RORO bus ang sinasakyan niya na karosa na hila ng kanyang kalabaw, bandang alas kwatro kahapon, August 1, sa national highway sa Barangay Panitian sa bayan ng Sofroñio Española.

Nagtamo ng sugat ang magsasaka na si Kakis Buto Idlas, 30, residente ng natura rin na barangay, ayon sa ulat mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO). Nabangga ang kanyang karosa dahil ang driver ng RORO bus na si Dexter Owebar Jardeniano, 53, ay iniwasan naman diumano ang kasalubong na dump truck.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng municipal police station ng Sofroñio Española, lumalabas na ang bus ay galing ng Puerto Princesa City patungong Brgy. Rio Tuba sa Bataraza. Iniwasan umano ni Jardeniano ang isang dump truck at iginiya ang bus pakanan sa kalsada, ngunit hindi niya napansin ang kalabaw na hila ang karosa kung saan nakasakay si Idlas kaya nabangga ito.

“Si Idlas po ay nasa maayos na, may galos, [ngunit] naipa medical din po. Buhay po ang kalabaw,” ayon kay P/Maj. Ric Ramos, tagapagsalita ng PPO.

- Advertisement -

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleBLACKPINK teases New music, album and world tour via ‘Born Pink’ video
Next articleNo water service Thurs pm till Friday