Nagpanukala ang provincial board sa Philippine National Red Cross (PNRC) na magtayo ito ng tatlong suboffices sa Puerto Princesa at bahaging norte at sur ng lalawigan.

Ayon kay 3rd District Board Member Rafael Ortega Jr. na nag-akda ng resolusyon ukol dito, ito ay upang matugunan ang pangangailangan ng mga Palawenyong naninirahan sa mga munisipyo na nangangailangan ng dugo.

Pahayag ni Ortega, napakahirap ng pinagdaraanan ng mga ito samantalang dapat ay tinutugunan ng gobyerno ang pangangailangan nila sa dugo.

“Kapag may nangangailangan ng dugo, natataranta, ang hirap maghanap, kinakailangan maghanap ka muna ng donor mo, papalitan, bibilhin mo, samantalang kung pupuwede naman ‘yong mga ahensya ng pamahalaan, may mga bloodletting tayo, may mga blood donation activity na pwede gawin para kung sino ang mangailangan mayroon kaagad diyan dahil dapat yan pinoprovide ng gobyerno, hindi yan dapat hinahanap ng mga tao. Tayo mismo sa gobyerno ang dapat na nagpoprovide niyan,” pahayag ni Ortega.

Layunin ng resolusyon na inihain ni Ortega na mas mailalapit ang serbisyo ng PRC sa mga nangangailangang mamamayan sa mga munisipyo sa lalawigan.

Sa kasalukuyan ay aprobado na sa una at huling pagbasa ang nasabing resolusyon.

Kaugnay nito, isa ring ordinansa ang inihain ni Ortega sina board member Marivic Roxas at Juan Antonio Alvarez bilang co-authors na magtayo ng blood banks/stations sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan na may kakayahang magkaroon ng ganitong uri ng pasilidad.

“Noong nakaraang sesyon, mayroon din akong resolusyon asking the Provincial Government to establish blood banks doon sa mga PGP hospitals na pwede na at compliant na sila sa requirement at capable na silang magkaroon ng blood banks. Nakita ko kasi ang necessity na kailangang magkaroon ng blood banks, alam mo naman ang dugo ay buhay,” dagdag niya.


ADVERTISEMENT


Bakit mo pa pahihirapan ang sarili kung kaya namang mabilis, maasahan, at
walang kuskos balungos ang pag-claim ng remittance galing abroad? Kaya
i-Palawan mo na mga ka-Suki! #GlobalAngGalingNatin, iyan ang #PalaParaan
💪💸
May over 6,000 Palawan branches nationwide. I-click lang ang link na ito para
sa listahan ng mga Palawan Express branches
nationwide: https://bit.ly/3bOiiTU

About Post Author

Previous articleDOT on US advisory: Measures in place for safe travel to PH
Next articleChild advocate and actress Maricel Laxa shares tips on parenting
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.