[L-R] Ang incumbent barangay captain na si Abner Tenorio ng Barangay Pulot Center at si Barangay Panitian captain Fred Gatungay.

Sa pagbubukas ng filing of certificate of candidacy (COC)  para sa darating na May 2022 election noong araw ng October 1 ay kauna-unahang naghain nito para kumandidatong mayor ng Sofronio Española si Pulot Center barangay captain Abner Tesorio.

Dakong alas dos ng hapon nang magtungo si Tesorio sa tanggapan ni Municipal Election Officer Alpha Sobrepeña upang magsumite ng kanyang COC.

Si Tesorio ay tumatakbo bilang independent candidate.

“Samahan niyo ako sa maayos na gobyerno at may takot sa ating panginoon,” pahayag ni  Tesorio matapos maghain ng COC.

- Advertisement -

Posibleng makakatungali ni Tesorio si incumbent Vice Mayor Rona Chou.

Ayon kay Chou, maghahain siya ng kaniyang COC sa araw ng Martes, October 5, kasama ang kanyang line-up para sa Sangguniang Bayan sa ilalim ng Partidong Pagbabago ng Palawan (PPP).

Samantala noong araw ng Biyernes ay naghain din ng COC para konsehal si Panitian barangay captain Fred Gatungay na tumatakbo bilang independent candidate.

Previous articleIloilo fishermen apprehended with explosives in Tubbataha Reefs Natural Park
Next articleGulayan sa Paaralan program ng 4Ps napapakinabangan na sa bayan ng Sofronio Española
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.