Larawan ng umano'y binaril at kinatay na buwaya sa Brgy. Caruray (File photo)

Itinanggi ng acting barangay captain ng Caruray sa bayan ng San Vicente na mayroong binaril at kinatay na buwaya sa kanilang lugar noong ikatlong linggo ng Oktubre.

Ayon sa acting barangay kapitan ng Caruray na si Bernardo Borja, may nasilo na buwaya ngunit ito ay nakawala, at hindi binaril o pinatay.

“Nahuli siya noong October 21, pero ayon sa informant natin, nalagot ang lubid dahil may kaliitan,” pahayag ni Borja.

Aniya, ang mga kuwento na nagsasabing binaril at kinatay ang buwaya ay gagawa lang na wala namang basehan, o maski ano mang larawan na maaaring magpatunay.

Sa impormasyong nakalap ng Palawan News, isinasangkot din si Borja sa pagkatay, ngunit itinanggi niya ito.

“Mga alegasyon lang ng mga tao ‘yan. Kung nakunan sana ng picture, hindi na tayo nanghuhula-hula,”pahayag ni Borja, nagsabi rin na ayon sa assessment ng PCSDS noong Oktubre 12, talagang may buwaya sa kanilang

Isang team mula sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ang nagtungo sa Caruray at nagsasagawa ngayon nang imbestigasyon dahil sa pangyayari.

BASAHIN ANG KAUGNAY NA BALITA: PCSDS investigates alleged crocodile slaughter in San Vicente

Ayon kay Jovic Fabello, tagapagsalita ng PCSDS, kapag napatunayang kinatay ang buwaya ay maaaring masampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang sino mang sangkot dito.

“Mahaharap siya sa (paglabag sa) Section 27 ng Wildlife Act of the Philippines, ‘yung destroying ang killing ng any wildlife species. Ang penalty nito ay pagkakulong ng mula isang araw at anim na taon hanggang 12 years, o pag multa ng from P100,000 hanggang P1 milyon, kasi ang pinatay niya ay iisang critically endangered species,” paliwanag ni Fabello.

“Nakapag-conduct na sila ng preliminary investigation. Ang kailangan lang talaga naming makita ay kung may body of evidence ba? At kailangan din na may mag-witness, at mag-file na rin ng affidavit na may ganitong nangyari,” dagdag niya.

Previous articleDalawang mangingisdang gumagamit ng compressor, nadakip ng awtoridad sa Culion
Next articleThe end is really near as Netflix releases trailer of Money Heist’s last five episodes
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.