Si Bonggat ay muling inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Anna Leah Tiongson-Mendoza ng Regional Trial Court Branch 164 ng Roxas, sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act, RA 9516, RA 8294 at Presidential Decree 1866 kaugnay sa mga nakuhang pampasabog sa kanya.

Dinakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Palawan (CIDG-Palawan) si kapitan Lovicel Vicete Bonggat ng Barangay Caruray, bayan ng San Vicente sa kasong illegal possession of firearms.

Si Bonggat ay dinakip ng CIDG-Palawan, katuwang ang Puerto Princesa City Police Station 1 (PS 1) sa Barangay Maunlad, sa lungsod ng Puerto Princesa, dakong 9:30 nang umaga ngayong Martes, September 28.

Matatandaang si Bonggat ay naunang inaresto ng CIDG-Palawan sa isinagawang implementasyon ng search warrant sa tatlong lugar sa Brgy. Caruray nooong August 14, kung saan siya ay nakuhanan ng isang fragmentation grenade at dalawang rifle grenades sa kanyang farm.

Sa nasabing operasyon din ay boluntaryo namang isinuko ng barangay tanod na si Jay Gatdula ang limang piraso ng bala ng .45 caliber pistol bago pa man pasukin ng awtoridad ang kanyang bahay.

- Advertisement -

Ayon kay P/Maj. John Macachor, hepe ng CIDG-Palawan, pansamantala nilang pinakawalan noon ang kapitan habang inaayos pa ang kaso laban dito.

Sa report ng CIDG-Palawan, base na rin sa listahan ng Palawan Police Provincial Office, si Bonggat ay sinasabing isa sa mga nagbibigay ng suportang pinansyal sa mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa lalawigan ng Palawan.

Si Bonggat ay muling inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Anna Leah Tiongson-Mendoza ng Regional Trial Court Branch 164 ng Roxas, sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act, RA 9516, RA 8294 at Presidential Decree 1866 kaugnay sa mga nakuhang pampasabog sa kanya.

Wala namang inilaang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Previous articleFilipino seafarers as Philippine’s gifts to the world
Next articleConstruction ng bagong gusali ng Cuyo MDRRMO sinimulan na
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.