(PN File Photo)

Isang ati-atihan exhibition ang ipinamalas ng mga kabataan na miyembro ng youth ministry ng Sto. Niño Parish sa bayan ng Sofronio Española bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang patron, nitong araw ng Linggo, Enero 16.

Bago isinagawa ang ati-atihan, tatlong magkakasunod na banal na misa ang naunang ipinagdiwang bilang sentro ng selebrasyon ng kapistahan, na pinangunahan ng kura paroko na si Fr. Joseph Cacacha, at dinaluhan ng mga deboto.

Sa kanyang homily, sinabi ni Fr. Cacacha, gaya ng mabuting ugali ng batang si Hesus na masunurin sa kaniyang mga magulang, nararapat din na maging masunurin ang mga mamamayan sa mga ipinatutupad na alituntunin ng pamahalaan lalo na ngayong panahon na may pandemya.

(PN File Photo)

“Ang hamon sa atin ngayon ay dapat maging masunurin sa mga magulang natin at sa gobyerno sa lahat ng bagay, gaya ni Sto Niño. Sinasabi sa ating Gospel na si Hesus ay umuwi at sumunod sa kaniyang magulang. Sundin natin ang example na ito ni Sto. Nino,” pahayag Fr. Cacacha.

- Advertisement -

“Ang pagsusuot mg facemask, pagsunod sa protocols ay mabuting halimbawa ng pagsunod katulad ni Sto. Niño, katulad ni Hesus,” dagdag niya.

(PN File Photo)

Bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols, kinunan muna ng body temperature ang mga papasok sa simbahan para dumalo sa pagdiriwang ng banal na misa. Tatlong tao lang ang pinayagang umupo sa bawat upuan at tiniyak din na ang mga ito ay nakasuot ng facemask.

Naglagay din ng mga upusan sa labas ng simbahan para naman sa mga hindi na maaring pumasok dahil sa sa itinakdang bilang ng tao sa loob ng simbahan.

Previous articleTwo Araceli kids show how volunteerism is done
Next articleHouse-to-house jabs for seniors, people with comorbidities pushed
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.