Tama sa iba't ibang bahagi ng katawan ang tinamong taga ni Liwasa, ngunit ang malubha ay ang sa braso nito na maaaring ipinangsangga para ito ay hindi matamaan sa leeg.

Away sa posisyon ng pagiging panglima ng mga katutubong Pala’wan sa Sityo Mulid sa Barangay Iraan sa munisipyo ng Rizal ang tinitingnang anggulo ng awtoridad kung bakit pinasok at pinagtataga ang isang 60 taong gulang na lalaki sa loob mismo ng kanyang bahay nang madaling araw ng Martes, Agosto 3.

Kinilala ng hepe ng Rizal Municipal Police Station (MPS) na si P/Maj. Thirz Starky Timbancaya ang biktima na si Nesto Saldini na diumano ay pinagtataga habang natutulog bandang 2:30 nang madaling araw ng suspek na si Arbito Liwasa, 35 taong gulang.

Sa pahayag ni Timbancaya sa Palawan News, sinabi nito na si Liwasa ay pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad matapos nitong tumakas.

“Sabi nitong anak niya na siyang sumaklolo doon sa biktima, away posisyon sa tribu nila. Isa ang biktima sa napipili para maging panglima at ang kalaban naman niya ay ang kamag anak ng suspek. Ang nakikita natin dito ay gustong patayin ang biktima para makuha ang posisyon,” pahayag ni Timbancaya.

- Advertisement -

Sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPPO) na ipinasa sa mga mamamahayag ay sinasabi na maging ang anak ni Saldini ay inundayan ng taga ni Liwasa ngunit ito ay nakailag at nakasigaw para humingi nang tulong sa mga kapitbahay na agad sumaklolo.

Tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamong taga ni Liwasa, ngunit ang malubha ay ang sa braso nito na maaaring ipinangsangga para ito ay hindi matamaan sa leeg.

“Ang tama niya sa iba’t ibang parte ng katawan niya, pero ang pinaka-matindi talaga na makikita mo na wakwak ay ang sa braso niya na posibleng ipinangsangga niya sa pagtaga sa leeg niya,” dagdag pa ni Timbancaya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa ospital na si Saldini.

Previous articleSangguniang Panlalawigan confirms Dr. Labrador as prov’l health officer
Next articleTatlo sugatan sa isang vehicular accident sa Narra
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.