Home POLITICS & GOVERNANCE Municipality Kambing na ipinagkaloob sa mga katutubo sa Sofronio Española, malaking pakinabang sa...

Kambing na ipinagkaloob sa mga katutubo sa Sofronio Española, malaking pakinabang sa panahon ng pandemya

1
0
Isa sa mga benipisyaryo ng kambing livelihood mula sa barangay Abo-abo.| Larawan mula kay Marieta Rafael

Malaking tulong ang dulot ngayon ng livelihood program na ipinagkaloob ng pamahalaan sa may kabuuang 86 pamilyang katutubo mula sa apat na barangay ng Sofronio Española na nakatanggap ng kambing bilang karagdagang kabuhayan.

Ang nasabing programa ay sa ilalim ng Modified Conditional Cash Transfer for Indigenous People (MCCT-IP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan 22 pamilya mula sa Barangay Abo-abo ang nabiyayaan, anim sa Brgy. Isumbo, 24 sa Pulot Shore, at 34 naman sa Pulot Interior.

May kabuuang 92 babaeng kambing at siyam na toro ang ipinagkaloob sa mga katutubong Pala’wan na miyembro ng 4Ps sa mga nabanggit na barangay.

Sa panayam kay Marieta Rafael, Project Development Officer II ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Sofronio Española ngayong Linggo, Hunyo 13, naging produktibo na aniya ang mga kambing na ipinagkaloob noong taong 2016

“Malaking tulong sa kanila talaga, lalo na sa mga nagpahalaga sa project. Ang ilan ay nagamit nila sa pagpapabahay, pagpapagamot ng anak at iba pa lalo na ngayong panahon ng pandemya. Walang kukunin ang DSWD dahil sa kanila na talaga ito,” pahayag ni Rafael.

“Sa loob ng apat na taon ng monitoring naming, napakinabangan na nila ito. May mga napaanak nang kambing, dumami at nakapagbenta na sila,” dagdag niya.

Previous articlePalawan Queens needing crucial wins to keep afloat in Wesley Cup
Next articleSouthwest monsoon affecting Luzon area
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.