Ang mga kawani ng MDRRMO habang nagsasagawa ng damage inspection sa Pulot Provincial road sa Sitio Ulnob, Pulot Interior, Nobyembre 21.| Larawan mula sa MDRRMO Española

Hindi pa maaaring daanan ng mga sasakyan hanggang sa ngayon ang konkretong kalsada sa Sitio Ulnob, Pulot Interior sa Sofronio Española dahil sa ito ay patuloy na isinasaayos pa ng Municipal Engineering Office matapos masira dulot ng madalas at malakas na pag-ulan nang mga nakalipas na araw.

Ayon sa report na inilabas ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO), ilang bahagi ng lupa kung nasaan ang konkretong kalsada, ang bumagsak dahil sa patuloy na buhos ng ulan noong Nobyembre 17. Bumigay ang gilid na bahagi nito at natipak.

“Sa ngayon inaayos nila ung daan. Sabi po ni engineer, tatambakan ng graba ang nasirang part, binabasag pa nila yung natipak na semento para maayos,” ayon sa pahayag ni Mellisa Jeane Coyoca, officer-in-charge ng MDRRMO.

Aniya, wala pang naibigay na petsa ang MEO kung kailan ito ganap na maaayos para muling madaanan ng mga sasakyan. Sa ngayon ay pansamantala muna itong isinara sa trapiko.

Bilang bahagi ng repair and maintainance, agarang nagpadala ang munisipyo ng isang unit ng backhoe, 2 dump truck, at isang jack hammer na may kasamang genset upang tuluyang maayos ito.

Ayon pa dito, naapektuhan rin ang water pipe na nasa bahagi ng nasirang daan na agad ding isinaayos ng Sofronio Española Water District (SEWD).

About Post Author

Previous articlePALECO names Moises Arzaga Jr. of District II as board chair
Next articleLearn charcoal briquetting, DOST tells LGUs
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.