(Photo courtesy of Culion Mayor's Office)

 

Pansamantalang isinara ang kalsada sa Sitio Pescadores, Barangay Osmeña sa bayan ng Culion noong June 28 matapos na magkaroon ng pagbagsak ng lupa sa daan mula sa gilid ng bundok na maituturing na landslide, ayon sa pamahalaang lokal.

Isinara para sa mga motorista dakong hapon ang Pescadores Road dahil sa mga natambak na lupa sa kalsada.

Sinabi ni municipal administrator Max Raymundo sa panayam ng Palawan News na ang area na ito ay maituturing na landslide-prone.

“Malakas pa ang ulan dito sa area na ito kaya nagkaroon ng pagtibag ng lupa sa mataas na bahagi at napunta sa kalsada kaya isinara muna ito ngayon sa mga motorista,” sabi ni Raymundo.

Wala namang naitalala ang MDRRMO, ayon sa kanya, na casualty dahil malayo ang residential area ng mga taga-Osmeña.

“Bukod lamang doon na may isang bakery na nakatayo malapit sa area pero hindi naman natamaan ng lupa mula sa natibag,” dagdag niya.

Samantala, gumawa muna ng alternatibong daanan ang pamahalaang lokal ng Culion habang di pa puwedeng madaanan ang Pescadores Road. Pansamantalang dumadaan ang mga motorista sa ginawang alternatibong kalsada ng MDRRMO sa Barangay Tiza malapit lang din sa Osmeña.

Sinabi ni Raymundo na wala pang katiyakan ang LGU kung kailan madadaanan ang Pescadores Road. Sabi niya, dapat na mag-ingat dahil baka magkakaroon pa ng tuloy-tuloy na pagtibag ng lupa sa mataas na bahagi ng daanan dahil sa patuloy na pag-ulan.

“May long term plan na yan at lalagyan yan ng retaining wall o net at iyan nag inaasikaso ngayon ng ating local government para hindi matibag na ang mga lupa sa taas na bahagi syempre magdadala talaga yan ng sakuna sa mga motorista natin na dadaan doon,” ayon kay Raymundo.

 

About Post Author

Previous articleSolar powered irrigation pump installed in Sofronio Española
Next articlePlogging eco-marathon held in Rio Tuba
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.