Si Kalayaan mayor Roberto Del Mundo habang tinatanggap ang mga relief aid mula sa Davao City Government.

Nagpadala ng 200 sako ng bigas at assorted goods ang pamahalaang lokal ng Davao City sa bayan ng Kalayaan noong araw ng Martes, Enero 11, bilang ayuda sa mga residenteng nasalanta ng bagyong Odette noong nakalipas na taon.

Ayon kay Ariel Carlos, municipal information officer ng Kalayaan, nakalikum na sila ng mahigit 2,000 food packs at nakatakdang ihatid sa isla ng Kalayaan ang mga ito sa pamamagitan ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong linggo.

“Nandito pa sa Kalayaan extension office. Hopefully, by tomorrow, maikarga sa PCG,” pahayag ni Carlos, Enero 13.

Nagpasalamat naman si Mayor Roberto del Mundo sa mga ayudang natanggap na ayon sa kanya ay magagamit bilang karagdagan para muling makabangon ang mga residente ng bayan sa naging biktima ng bagyo.

Ang bayan ng Kalayaan ay isa sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa lalawigan ng Palawan kung saan, tinatayang nasa P63 million ang naging damage sa fishery sector, agriculture, infrastructure at tahanan ng mga residente.

About Post Author

Previous articleAsteroid the size of the world’s tallest building will come close to Earth
Next articleTecnogas appliances bring Italian kitchen excellence to Puerto Princesa, Palawan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.