Kalayaan mayor Roberto del Mundo

Iniakyat na sa korte ang kasong sexual harassment na isinampa ng dating mga empleyado ng munisipyo ng Kalayaan laban kay mayor Roberto del Mundo.

Ayon sa isa sa mga biktima, masaya ang kanilang pamilya sa pag-usad ng kaso dahil napapalapit na sila sa inaasahang hustisya.

“Magkakaroon na din ako, kami, ng peace of mind. Dati lagi ko inaaway ang asawa ko dahil feeling ko di niya ako naipagtatanggol sa mga tao na nagsasabi na nabayaran na kami, kasi bigla kaming natahimik. Hindi pumipikit ang hustisya para sa amin. Simula pa lang ito sa mga marami pang panalo ng katarungan,” ani alyas Mildred.

Base sa resolusyon na pinirmahan ni city prosecutor Carmilina E. Ceniza-Guevarra noong ika-tatlo ng Nobyembre, kasong may kinalaman sa Gender-Based Online Sexual Harassment sa ilalim ng Section 12 ng Republic Act 11313 ang inihain laban kay mayor Del Mundo.

- Advertisement -

BASAHIN ANG KAUGNAY NA BALITA: Kalayaan mayor faces sexual harassment charges

Si Del Mundo ay inakusahan ng dalawa nitong empleyado dahil sa mga pagpapadala nito ng mga malalaswang mensahe at “indecent proposals” sa kanila.

Matapos na parehong tumanggi ang dalawa sa mga alok ng mayor ay tinanggalan sila ng kontrata sa kanilang mga trabaho sa munisipyo, ayon sa naunang pahayag ng mga biktima.

Sa unang balita ng Palawan News kaugnay dito, Mayo at Huyo ng taong 2020, nang magsimula ang ginawang pangha-harass ni Del Mundo kila alyas Mildred at Ruby.

Mayo ngayong taon naman ng naglakas loob ang dalawa na tumungo sa National Bureau of Investigation (NBI) para magsampa ng reklamo laban dito.

Ang Palawan News ay patuloy pa ring humihingi ng pahayag kay Del Mundo patungkol sa kasong kinakaharap nito.

Previous articleHouse OKs mandatory SIM card registration
Next articleConstruction worker arestado dahil sa kasong child abuse sa Dumaran
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.