Photo courtesy of Junta Barita Facebook Account

Imposibleng may kakulangan ng pondo para magkaroon ng indigenous peoples mandatory representative (IPMR) sa Sangguniang Bayan ng Magsaysay.

Ito ang pahayag ng IPMR ng mga katutubo sa Sangguniang Panlalawigan na si Purita Seguritan sa kanyang privilege noong Martes, Marso 29, hinggil sa hindi maitalagang IPMR ng naturang bayan dahil walang sapat na pondo para sa magiging opisina nito.

Aniya, batay sa Indigenous Peoples’s Rights Act (IPRA) law, mayroong dapat na IPMR ang Magsaysay at dapat kilalanin at respetuhin ito ng Sangguniang Bayan.

“Batas ‘yon, ayon doon sa RA 8371 kaya hindi siguro sila mahihirapan sa pondo dahil kapag naisabatas na ‘yan at nakaupo ay automatic member na siya ng Sangguniang Bayan,” she said.

Kailan lang ay ipinahayag ni Association of Barangay Captains (ABC) president Magsaysay Armando Alvarez na walang pondo para sa IPMR position, ngunit hindi nila sinasabing ayaw nila na magkaroon nito sa Sangguniang Bayan.

“Kasi ang consideration ng Sangguniang Bayan ay ang pondo. Kapag naglagay kami ng IPMR ay lampas na kami doon sa pondo na dapat ay ‘yon lang ang dapat gamitin. Hindi kami against kung sino ang ilagay nila dahil ang problema lang talaga wala lang pondo,” ayon kay Alvarez.

Iminungkahi din ni Alvarez na pondohan muna ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang kakulangan.

Ngunit sa pahayag naman ni Seguritan, sinabi niya na hindi saklaw ng mandato ng NCIP.

“Imposible na hindi nila mabigyan ng allotment ang IPMR, lahat ‘yan may pondo. Ang isa doon, napakatagal na wala pa silang pinapaupo. Hindi rin obligasyon ng NCIP na magpondo, LGU po,” pahayag ni Seguritan.

“Pakiramdam namin ay napupolitika, bakit ang iba nagagawan naman ng paraan ultimo barangay pa nga, ‘yon pa kaya na munisipyo. Ang sabi ng DILG ay kasuhan na lang kasi nasa batas ‘yan pero sabi ko susubukan kong kausapin,” dagdag niya.

Sa pahayag naman ni Magsaysay mayor Manuel Abrea, sinabi nito na maglalagay na ng IPMR sa Sangguniang Bayan sa darating na Hunyo.

About Post Author

Previous articleIronman 70.3 Puerto Princesa registration now open
Next articlePalawan COVID-19 cases down to four
is the chief of correspondents of Palawan News. She covers defense, politics, tourism, health, and sports stories. She loves to travel and explore different foods.