Isang kahon na naglalaman ng kalahating kilo ng pinaghihinalaang pinatuyong marijuana ang narekover ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan sa isang courier service warehouse na sakop ng Barangay Maningning, bandang 5 ng hapon noong November 11.

Ayon sa PDEA Palawan, ito ay bunga ng random K9 inspection na isinagawa kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) K9 unit sa mga piling courier services sa lungsod.

“Nagsagawa ng paneling sa mga padala, itong nakuha nating box inupuan ng narcotic detection dog na indication na naglalaman ito ng illegal na kontrabando,” ayon sa PDEA Palawan.

Agad na dinala ng mga awtoridad sa opisina ng Barangay Maningning ang nasabing kahon na ipinadala ng isang nagngangalang Hazel Santos mula sa Baclaran, Pasay City, sa isang Cedric Perez.

Nang buksan ang mga kahon ay natagpuan dito ang tig tatatlong plastic bottle ng produkto sa buhok na positibong naglalaman ng mga hinihinalang marijuana.

Tinatayang nagkakahalaga ang nasamsam na marijuana ng P250,000.

Ayon pa sa PDEA, matagal na nilang naririnig ang pangalan ni Perez na dawit sa iba pang transaksyon ng droga sa lungsod.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o illegal transport of dangerous drugs sina Perez at Santos

Previous articlePrivate sector recognized thru Gawad Kalikasan award
Next articleAFP displays air and naval power in DAGITPA exercise in Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.