PN photo
- Advertisement by Google -

Nasabat ng mga pulis ang tinatayang nasa 39 kahon ng smuggled na sigarilyo habang tinatangka itong ibiyahe papunta sa Puerto Princesa City at iba pang bayan sa norte ng lalawigan bandang 3:45 ng hapon ngayong araw, August 5.

Ayon sa mga awtoridad, kanilang hinarang ang isang van na may plakang GAN 6631 sa may Brgy. Inagawan-Sub na nagmula sa bayan ng Bataraza, base na rin sa impormasyong kanilang natanggap, partikular sa mga laman nitong kontrabando.

Nang kanila umanong buksan ang nasabing van, tumambad sa kanila ang mga kahon ng smuggled na sigarilyo na natatabunan ng ibang pangarga.

Sinamsam din ng mga awtoridad ang nasa 28 boxes ng sigarilyong Fort (white), 3 boxes ng Fort (black), at 8 boxes ng sigarilyong Berlin, kabilang na ang van na ginamit sa pagbiyahe ng mga ito.

- Advertisement -

Hawak na ng Police Station 2 ang driver ng nahuling van na si Mosal Usman Haron at ang kasama nitong si Alwina Haron na kakaharap sa kasong paglabag sa RA 10863 o Customs and Tariff Administration Act.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleFuel Discount Card mula sa DA, ipinagpasalamat ng mga magsasaka mula sa bayan ng Narra
Next articleDamasco seeks lifting of live fish trade ban
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.