Kagawad ng Montible nahulihan ng baril


Haharap sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang isang barangay kagawad ng syudad matapos siyang mahulihan ng baril at mga bala noong Marso 5 nga gabi sa Bataraza.

Ang opisyal ng barangay ay nakilalang si Abdulmutalib Muhammad, 35, at kasalukuyang kagawad ng Barangay Montible, Puerto Princesa City.

Isang concerned citizen ang tumawag sa Bataraza Municipal Police Station at isinumbong ang isang lalaking may dalang baril sa harap mismo nga tindahang Santiagodo store sa Brgy. Marangas sa bayan ng Bataraza.

Agad na tinungo ng mga pulis ng Bataraza ang nasabing lugar sa pangunguna ng hepe na si PSINSP Joseph Ivan C. Comising, hepe ng Bataraza MPS.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .45 na baril na may magasin, at dalawa pang mga magasin na may mga bala o live ammunitions. Nakuha din mula sa kanya ang itim na sling bag na may lamang ID at iba pang dokumento.

Sasampahan ng paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms ang naturang opisyal na kasalukuyang nasa kostudiya ng Bataraza PNP bago ito dalhin sa Provincial Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...