Inirekomenda ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa National Immunization Technical Advisor Group (NITAG) na maari nang palawigin ang kwalipikadong edad para sa pagpapabakunalaban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsisimula ng pediatric vaccination o ang pagbibigay ng bakuna sa mga kabataang nasa 12-17 taong gulang.

Ang rekomendasyon ay isiniwalat nina vaccine czar Carlito Galvez at NTF head Assistant Secretary Wilben Mayor sa isang pagdinig ng Komite sa Pangunahing Edukason, Sining at Kultura sa Senado.

“On the projection, the government, through the vaccine cluster, has already been eyeing for the inoculation of our children especially from ages 12 to 17”, saad ni Mayor.

Kaugnay nito, hati ang reaksyon ng kabataan sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Ilang kabataan ang nakapanayam ng Palawan News na nagpahayag ng pabor at nagnanais na sila ay mabakunahan na, nang malamang kinukonsidera na ng gobyerno na buksan ang vaccination program para sa kanilang age bracket.

Isang 13 taong gulang na bata ang nagsabing nasasabik na siyang mabakunahan dahil ito ang pinakamainam na paraan upang mabawasan ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

“Vaccination is a safer way to help build protection against the virus”, aniya.

Ang 14 taong gulang na si Zhainne naman ay nagpahayag ng pagkasabik na mabakunahan kung papahintulutan na ito ng gobyerno.

“Siguro po magpapabakuna na po ako kasi para po sa akin mas okay pa ang face-to-face na klase,” saad niya.

Ayon naman kay Andrei, 15, mas mabuti na ang sigurado at protektado laban sa virus.

“Lalo na marami ako nakakasalamuha. Sabi nga po nila, huwag maging kampante kahit family mo pa yan o close na kaibigan dahil hindi natin alam kung sino-sino ang nakakasalamuha nila”, paliwanag niya.

Nais na ring mabakunahan ng 17 taong gulang na sina Ayne at Lean para magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19 at mas maramdaman na sila ay ligtas tuwing lalabas.

“Kung ang majority po ng mga kabataan nagpabukan na, magpapabukana na. Pero gusto ko na rin po talaga ang magpabukana para safe po,” ani Ayne.

“Pagpapabakuna po ang alam kong isa sa mga solusyon para di ako mahawaan ng virus at alam ko pong safe na ako,” ayon naman kay Lean.

Ilan naman sa kabataan ay ayaw pang magpabakuna dahil hindi umano sila kampante at nag-aalinlangan pa.

“We are not yet sure kung yung vaccine ay kaya ng katawan ng bata and wala naman po atang gagawin ang mga bata sa labas. Vaccine isn’t a medicine for COVID. A vaccine only helps to avoid COVID,” pahayag nig isang 12 taong gulang na bata.

“Hindi po muna [ako magpapabukan], tingin ko po kasi hindi 100% safe [ang bakuna],” ayon naman kay June Mark, 15.

Hindi rin panatag ang loob ni Juliet, 15 taong gulang, na nagsabing hindi siya siguradong mapo-proteksyonan siya ng bakuna laban sa COVID-19.

“Mahihirapan ka lang kasi marami siyang side effects tapos mag-s-slowdown lang ang buhay mo kung hindi mo kakayaning yung mga side effects na yun”, dagdag pa niya.

Sa likod ng mga reaksyong ito ng maraming kabataan, ang pagbibigay ng bakuna sa kanila ay nakadepende pa rin sa magiging desisyon ng mga eksperto at availability ng bakuna sa merkado. Ngunit sa kabila nito ay tiniyak pa rin ni Mayor na siguradong may mga parating na bakuna ngayong Setyempre.

“They have already signed the purchase order for 10 million doses of Sinovac [and] the increase of delivery of Pfizer – more or less five million doses, and Moderna, three million doses,” paliwanag niya.

Kasabay ng kanilang plano sa pagbibigay ng bakuna sa mga kabataan ay ang kanila ring paghahanda sa pagbubukas ng mga paaralan para sa ligtas na pagbabalik eskwela sa darating na Academic Year 2021-2022.

About Post Author

Previous articleCIDG crackdown shakes up thriving ukay-ukay enterprise in Puerto Princesa
Next articleMga kawani ng MDRRMO sumailalim sa MOSAR drill
is a student-intern at Palawan News and is currently taking up Bachelor of Arts in Broadcasting at the Polytechnic University of the Philippines Manila. She mostly covers national news about socio-political issues. She is also a public speaker, a former president, and current director for external communications of Viva Voce-COC, the premier public speaking and debate organization of PUP Manila.