Isang community service program ang isinagawa ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at El Nido Municipal Police Station (MPS), sa pakikipagtulungan ng 23rd Marine Company (23rd MC) ng Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) sa Barotuan National High School (NHS) sa bayan ng El Nido noong Miyerkules, Mayo 12.

Sa aktibidad na tinawag na “Kabataan Bayanihan” ay nilinis ng mga partisipante ang buong campus at pininturahan ang bakod ng nabanggit na paaralan, nagtabas ng damo, at nagsagawa ng tree planting kung saan, 50 puno ng Narra ang itinanim.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina P/Maj. Analyn Palma, hepe ng El Nido MPS, at 1st Lt. Dwight Payosalan ng 23rd MC katuwang ang mga barangay at Sangguniang Kabataan officials ng Barotuan at mga guro sa Barotuan NHS.

“This activity aims to promote planting and saving trees for our next generation and engage the youth in impactful and significant activities to be responsible individual and have a better community. Narra kasi paglumaki, useful siyang puno at matibay, at the same magsilbing lilim sa school,” paliwanag ni P/Cpl. Edwin Antimano ng El Nido MPS.

“As the spirit of bayanihan tanda ito na willing tumulong ang pulisya natin at mas lalong tumibay ang pagsasamahan at pakikipag-uganayan at relasyon ng kuminidad sa mga alagad nang batas at buo ang kanilang paniniwala,” dagdag niya.

Previous articleAstraZeneca manufacturer can’t fast track delivery of PPC vaccines
Next articleTurismo ng San Vicente, patuloy na pinapalakas kahit may pandemya
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.