JV Ejercito pasok sa winning circle ng Pulse Asia survey

(Courtesy of JV Ejercito)


Dalawang linggo bago ang halalan, pumasok na sa ‘winning circle’ si reelectionist Senator JV Ejercito batay sa Pulse Asia senatorial survey na inilabas kahapon.

Sa nasabing survey, si Ejercito ang may pinakamalaking pag-angat kumpara sa ibang kandidato matapos itong umakyat sa 10-16 puwesto mula sa dating 16-17 na puwesto sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Marso 23 hanggang 27.

Sa latest Pulse Asia survey, nakapagtala si Ejercito, ang tinaguriang “Mr. Healthcare” ng Senado, ng 28.1 percent para makapasok sa ika-10 hanggang 16 na puwesto.

Isinagawa ang survey nitong ika-10 hanggang ika-24 ng Abril Marso sa 1,800 respondents na 18-anyos pataas sa buong bansa.

Ang pag-angat ni Ejercito sa senatorial survey ay bunga ng kanyang masigasig na pangangampanya sa buong bansa kung saan ipinaliwanag niya sa taumbayan ang kahalagahan ng dalawa sa iniakdang niyang batas, ang Universal Health Care at ang Department of Human Settlements and Urban Development.

Naniniwala ang publiko na ang pagpasok ni Ejercito sa winning circle ay bunga ng kanyang malinis na pangalan, walang bahid ng korupsyon at maayos na rekord sa panunungkulan.

Si Ejercito ay muling tumakbo sa pagka-senador upang maipagpatuloy ang sinimulan niyang adbokasiya sa kalusugan, pabahay, modernong transportasyon at malawakang proyektong pang imprastraktura.

“Naniniwala ako na ang mga adhikaing aking sinimulan ay hindi mananatiling isang panaginip lamang kung ako’y muling mabibigyan ng isa pang pagkakataong makapaglingkod sa ating bayan,” reaksiyon naman ni Ejercito sa latest Pulse Asia survey.

“Andiyan pa rin ang aking pangakong kailangang magkaroon ng mas maginhawang buhay ang lahat ng Pilipino,” dagdag pa nito.

Nanguna sa naturang survey si Sen. Cynthia Villar na nakakuha ng 51.7 percent habang pungalawa naman si Sen. Grace Poe na may 50.5 percent.

Sa voter preference na 45.7%, nasa 3rd-4th places si dating senator Lito Lapid habang nasa 3rd-6th places si Taguig Representative Pia Cayetano na may 43.9 percent voters preference.

Pasok sa 4th-8th places si dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher Go (40.8 percent) habang nasa 4th-9th places si Sen. Juan Edgardo Angara (40.4 percent).

Ang iba pang pasok sa winning circle ay sina dating senador Ramon Revilla, Jr. (38.1 percent, 5th to 9th places), former Bureau of Corrections (BuCor) chief Ronald dela Rosa (36.7 percent, 5th to 9th places), Sen. Maria Lourdes Nancy Binay (36.2 percent, 6th to 9th places) at Sen. Aquilino Pimentel III (31.8 percent, 10th to 14th places).

Ang iba pa ay sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos (29.6 percent, 10th-14th places), former Senator Jinggoy Estrada (28.8 percent, 10th-4th places), at Senator Paolo Benigno Aquino IV (28.8 percent, 10th-14th places).

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...