(WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)

Sugatan ang nasa 12 katao dahil sa banggaan ng dalawang sasakyan kaninang madaling araw sa Kilometer 25, South National Highway sa Barangay Sta. Lucia sa Puerto Princesa.

Ang driver ng Toyota Vios ay kinilala ng mga awtoridad na si Marc Oliver Tesorio So, kasama ang mga sakay na sina Jayson Factor, John Fetalino, at Mark Dave Saurin.

Ang driver naman ng pampasaherong jeep ay kinilalang si Edgar Ubay Padul, 58, habang ang mga pasahero ay sina Jhona Lambuhun, Efren Lambuhun, Joel Jamilo, Mercy Cuya, Rosalina Opila, Mercidita Cuyo, at dalawang menor de edad.

Sa report ng Police Station 2 ay nangyari ang aksidente bandang alas singko ng umaga nang December 10. Mula umano sa Brgy. Mangingisda ang pampasaherong jeep nang makasalubong ang kotse na Toyota Vios na patungo ng bayan ng Aborlan.

Pinasok umano ng kotse ang kaliwang lane kung saan paparating ang jeep na minamaneho ni Padul na naging dahilan ng banggaan.

Agad namang narespondehan ang nasabing aksidente at nasa ospital na ang mga sugatang sakay ng parehong sasakyan. Nagpapatuloy rin ang imbestigasyon hinggil sa aksidente.

About Post Author

Previous articleCBST needs extra attention for recovery, says city tourism chief Alvior
Next articleRosal expected to develop into tropical storm, but will no longer make landfall
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.