Photo from PRO Mimaropa

Mas bumaba ang bilang ng krimenalidad na naitala ng Philippine National Police (PNP) simula Enero hanggang Setyembre ng taong ito kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sa inilabas na ulat ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA, bumaba sa 3,691 ang crime volume sa buong rehiyon ngayong taon kumpara sa 4,043 noong taong 2021.

Sa lalawigan ng Palawan, umabot sa 744 ang mga naitalang krimen ngayong taon, higit na mas mababa sa 1,076 noong 2021.

Ayon sa PRO MIMAROPA, ito ay dahil na rin sa masigasig na pagbabantay ng mga kapulisan at pakikipagtulungan ng mga mamamayan.

Sa kabila nito, patuloy ang pagpapalala ng kapulisan sa mga mamamayan upang makaiwas sa krimenalidad.

Narito ang ilang iwas krimen tips mula sa PNP Mimaropa.

  1. Maging mapagmatyag at alerto sa paligid lalo na kung mag-isa o kapag madilim.
  2. Iwasang lumabas ng bahay nang mag-isa.
  3. Iwasang maglakad sa madidilim at makikipot na daan, o sa gitna ng mga sasakyan sa mga parking lot.
  4. Lumayo sa madidilim at tagong lugar, mga bakanteng lote.
  5. Kung mag-aabang ng masasakyan, manatili sa maliwanag na lugar.
  6. Iwasang magsuot ng alahas o maglabas ng pera sa publiko,
  7. Magdala ng pito o iba pang noise-making device na maaaring magamit para makatawag ng atensyon sakaling nasa panganib.

Dagdag pa ng PNP, agad na humingi ng tulong sa pinakamalapit na istasyon ng pulis upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

About Post Author

Previous articlePuerto Princesa to host major big bike event in November
Next articleTaiwan urges Filipinos to join English teacher program
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.