- Advertisement by Google -

Narekober ng mga awtoridad ang ilang high-powered firearms at mga kagamitan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Tagabinet, Puerto Princesa City, alas 3 ng hapon ng July 12.

Kabilang sa mga nakumpiska mula sa Bienvenido Vallever Command ay isang Bushmaster Caliber 223-5.56MM (MOD. XM15-E2S at magazine); 12 Pcs bala ng M16; NPA sweat shirts at Mao Caps.

Ayon kay P/Cpt. Joy Iquin, tagapagsalita ng Puerto Princesa Police Office (PPCPO), isang dating rebelde din ang nagturo sa kinalalagyan ng mga kagamitan ng rebeldeng grupo.

“Iniwan sa isang tao na former rebel at siya ang nagturo kong saan nakabaon lahat ng mga gamit na yan,” ayon kay Iquin.

- Advertisement -

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleAmerican director to shoot Battle of Mactan film in Palawan
Next articleProVet assures quality of imported meat products
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.