Ang suspek ay kinilalang si Keyvin Sobrepeña Eleazar, 19 taong gulang, samantalang ang nakatakas naman ay ang nakatatandang kapatid nito na si Norvin Sobrepeña Eleazar, 24 taong gulang, kapwa residente ng Purok 5, Brgy. Tagumpay ng nasabing bayan. (Larawan mula sa PPO)

Isang lalaki ang naaresto habang nakatakas naman ang isa pa sa isinagawang buy-bust operation laban sa ilegal na droga nang pinagsanib na pwersa ng Roxas Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency-4B, sa Purok Maligaya, Barangay Magara sa bayan ng Roxas, araw ng Linggo, Enero 30.

Ang suspek ay kinilalang si Keyvin Sobrepeña Eleazar, 19 taong gulang, samantalang ang nakatakas naman ay ang nakatatandang kapatid nito na si Norvin Sobrepeña Eleazar, 24 taong gulang, kapwa residente ng Purok 5, Brgy. Tagumpay ng nasabing bayan.

Sa report ng Palawan Police Provincial Office (PPO), nakuha sa dalawa ang tatlong plastic at isang kaha ng sigarilyo na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, na may kabuuang bigat na 42.86 grams at nagkakahalaga ng P4,050; P3,000 buy-bust money; isang cell phone; at iba pang kagamitan para sa iligal na droga.

Ang nadakip na suspek ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya habang pinaghahanap pa ang nakatakas nitong kapatid.

- Advertisement -

Inihahanda na rin ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawa.

Previous articleFormer PCG official found guilty for extortion
Next articleDenim essentials at Surplus
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.