Tumakas si Musa sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop ng gusali kung saan ito nakapiit.

Isang person deprived of liberty (PDL) na kasalukuyang nakapiit sa Brooke’s Point District Jail (BPDJ) ang tumakas noong araw ng Biyernes, October 22, sa pamamagitan nang pagtalon sa rooftop.

Ayon kay JO1 May Rose Rosel ng BPJD, ang PDL ay kinilalang si Rolan Musa, 24 taong gulang, nagmula sa Sitio Mahogany, Barangay Punta Baja sa bayan ng Rizal, na kasalukuyang nahaharap sa kasong frustrated murder at nai-commit sa BPJD noong buwan ng Hulyo taong kasalukuyan.
 
Dagdag ni Rosel, tumakas si Musa sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop ng gusali kung saan ito nakapiit.

“Naglabas na rin kami ng mga panawagan na baka may mga kamag-anak na inuwian o nakakita sa kanya,” pahayag ni Rosel, Linggo, October 26.

Ang sinumang may impormasyon sa kinaroroonan ni Musa ay maaring makipag-ugnayan sa pamunuan ng BPJD sa cellphone number 09454392000.

- Advertisement -

Samantala, sinubukan ng Palawan News na humingi ng pahayag kay J/Insp. Darwin Montilla, warden ng BPJD subalit tumanngi muna itong magbigay.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga kawani ng BPJD para sa agarang pagdakip sa tumakas na PDL.

Previous articleParents urged to vaccinate their kids vs. preventable diseases
Next articleLa Niña intensifies amihan in northern Luzon
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.