File photo

Isang pasyente ng COVID-19 ang nasawi sa bayan ng Roxas noong araw ng Linggo, Hunyo 7.

Ayon kay Dr. Leo Salvino, municipal health officer ng Roxas, ang nasawi ay isang 58-taong-gulang na lalaki na may comorbidity at mula sa Barangay New Barbacan. Ito ang ikaapat na COVID-19 death na naitala sa bayan.

Dagdag niya, ang pasyente ay mayroong diabetes at high blood bago pa man nagpositibo sa RT-PCR test.

Samantala, sa huling ulat ng Municipal Health Office (MHO) ng Roxas araw ng Huwebes, Hunyo 10, tatlong bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan kung saan ay isa ang positibo sa RT-PCR test at ang dalawa naman ay antigen reactive.

Ang nag-positibo sa swab test ay isang lalaki na may edad na 40 na taga Barangay 4, at ang dalawang antigen reactive naman ay isang lalaki na may edad 68 mula sa Barangay 2 at isang babae na may edad na 16 ng New Barbacan.

Sa kasalukuyan ay may 62 aktibong kaso ang bayan at 31 dito ay mula sa Barangay 3, 16 naman sa Barangay 4, 10 sa New Barbacan, dalawa sa Barangay 1, at tag-iisa sa Barangay 2, Iraan, at Minara

Ayon kay Salvino, alarming na ang sitwasyon sa bayan. Bagama’t kaya pa naman mag-accommodate ng kanilang mga quarantine facility ay nagkukulang na sila ng mga health personnell para sa lumalaking bilang ng kaso. Sa ngayon ay nakakaya pa nila ito subalit kong patuloy pang tataas pa ang kaso sa bayan ng Roxas tiyak na mahihirapan na ang mga ito.

“Alarming na ito. Ang aming mga quarantin facility naman ay kaya pang mag accommodate pero kulang na ang contact tracer at medtech. Pero manageable pa naman. Kailangan lang magtulong-tulong ang lahat. Hindi kaya pag puro hospital  at RHU lang. kailangan din ng self-disipline,” ani Salvino.

Previous articleProyektong patubig nakatakdang isagawa sa dalawang barangay sa Magsaysay
Next articlePhilippines to see 2021 longest daytime on June 21
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.