BROOKE’S POINT, Palawan — Bagamat bahagyang bumababa ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 ay tumataas naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus sa bayang ito.

Nitong araw ng Lunes, October 11, ay isang indibidwal ang naitalang pumanaw dahil sa sakit.

Ayon sa huling tala ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF), umabot na sa 1,609 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 bayan kung saan, 1,436 ang gumaling, 145 ang kasalukuyang active cases, at nasa 28 naman ang nasawi.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang contact tracing  sa mga nakasalamuha ng mga nasawi at patuloy rin ang vaccination kontra COVID-19.

- Advertisement -

Previous articleCoast Guard patuloy ang pagbabantay sa mga naapektuhan ng pagbaha sa PPC
Next articleCitinickel extends relief efforts to 315 households affected by floods in Narra
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.