Image from Google Maps.

Isang bagong kaso ng COVID-19 ang muling naitala sa bayan ng Taytay, ayon kay municipal health officer Dr. Dan Alorro Del Rosario.

Ang pasyente ay isang 25 taong gulang na babaeng empleyado ng gobyerno.

“Ang new case natin ay isang babae, 25-years-old na government employee. Siya ay asymptomatic at nagkaroon ng exposure sa isang indibidwal from adjacent municipality,” pahayag ni Del Rosario

Dagdag niya, dinala sa isolation facility ang pasyente at nagsagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Sa kasalukuyan may dalawang aktibong kaso ng coronavirus ang Taytay at apat na probable cases.

Previous articleBayan ng Rizal nananatiling wala nang kaso uli ng COVID-19
Next articleSM City Puerto Princesa’s Pay Day Sale is on May 13-15
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.