BROOKE’S POINT, Palawan — Isang pasyente ng COVID-19 ang nasawi sa bayang ito base sa huling update na inilabas ng Municipal Inter Agency Task Force on COVID-19 (MIATF), araw ng Martes, October 5.

Ang biktima ay isang 81 taong gulang na babae mula sa Barangay Mainit. Ito ang ika-25 na pasyenteng nasawi sa bayan dahil sa virus.

Bumaba naman ng bahagya ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.

Mula sa pinakamataas na kaso sa buong lalawigan ng Palawan na umabot sa mahigit 250 active cases ay bumaba ang kasalukuyan na bilang nito sa 183.

- Advertisement -

Samantala, magtatapos ngayong araw ang ipinatutupad na general community quarantine (GCQ) sa bayan.

Kaugnay nito, magpupulong ngayong araw ang MIATF upang pag-usapan kung ano ang magiging susunod na hakbang tungkol sa pinaiiral na quarantine status sa bayan.

Previous articleTD Lannie leaving, but new LPA likely to enter PAR Wednesday
Next articlePolice roundup: Carpenter dies in Dumaran; farmer seriously injured in Quezon due to hacking
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.