Isang batang lalaki ang nasawi matapos na masagasaan ng Mistubish Strada pick-up, sa kahabaan ng national highway sa Purok Nasidoc, Barangay Manalo, Lungsod ng Puerto Princesa noong araw ng Linggo, Enero 9.

Ang biktima ay nakilalang si Prince Earl Andrie Gupio Eleazar, anim na taong gulang at residente ng nabanggit na lugar, samantalang ang driver naman ng pickup ay kinilalang si Gerald Uapal Amor, 25 taong gulang.

Sa report ng Police Station 1 (PS-1), patungo sana sa bayan ng San Vicente ang nasabing sasakyan nang masagasaan nito ang bata. Agad namang dinala ang biktima sa isang ospital sa lungsod kung saan ito idineklarang dead on arrival.

Ayon kay P/Maj. Alta Xerxes Cabillaje, hepe ng PS-1, bamaga’t mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide si Amor, hindi agad naisampa ang kaso dahil sa kulang na dokumento ng bata.

- Advertisement -

“Bale hindi pa lumabas at wala pa rin ang birth certificate ng bata na kailangan para sa pag file ng case. Yun nalang ang hinihintay, kaya pasok na lang siya sa regular filing (ng kaso),” pahayag ni Cabillaje.

Previous articleA sustainable body-loving body butter from the Body Shop
Next articleResidents warned against burning Odette debris
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.