Tumanggap ng solar power project ang Barangay Sumbiling sa bayan ng Bataraza mula sa Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) bilang bahagi ng mga programang pang-komunidad sa ilalim ng Social Development and Management Program (SDMP).

Ang layunin ng proyekto ay upang mapabuti at mapataas ang lebel ng serbisyong-lokal sa pamayananan. Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng 947,000 pesos na inilaan ng RTNMC para sa 2021 SDMP funds ng nasabing Barangay.

Ayon kay barangay kapitan Otok Ahmal, unang beses nilang makatanggap ng malaking programa. Dagdag pa niya, ang proyekto ay lubos na makakatulong upang mapag-ibayo pa ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan o LGU. Ang serbisyo ay mae-extend din sa mga estudyanteng nasa blended at online learning dulot ng pandemya.

- Advertisement -

“Mas mai-improve na po ang ating basic services sa ating barangay dahil mayroon ng daloy ng kuryente dito sa ating Barangay compound. Kung may mangangailangan ng assistance sa pag-aasikaso ng papeles, madali na lang mag-print dahil may kuryente na,” ani Ahmal.

“Tayo rin ay naglagay ng charging stations para sa mga kabataang nag-a-adjust sa online learning,” dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Bobit Alihan, assigned RTNMC Community Development Coordinator (CDC), na ang proyektong pailaw ay konektado sa mga Barangay infrastructures gaya ng Barangay hall, gymnasium, health center at multipurpose-hall.

“Yes po. Ang proyekto ay ninais ng LGU na maging konektado ang mga mahahalagang pasilididad sa Barangay upang maging smooth sailing ang kanilang operasyon,” ayon kay Alihan.

Para kay Bong Dela Rosa, ComRel Manager ng RTNMC, ito raw ang direksyon ng kompanya at ng Nickel Asia Corp. (NAC) na mag-implementa ng mga malalaking proyekto upang mas maramdaman ng pamayanan ang impact ng SDMP at community development efforts.

“Ito na talaga ng direksyon namin sa RTN, sa NAC na gumawa ng mga proyektong malalaki ang epekto o impact sa ating mga partner Barangays,” ani Dela Rosa.

Ang Barangay Sumbiling ay mayroong 3,720 population.

Ang SDMP ay mandato ng Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995 na pinangagasiwaan ng ahensyang MGB sa ilalim ng DENR.

Previous articleSPECIAL REPORT: Historical markers put Palawan in the route of world’s first circumnavigation
Next articlePag-asa Island sets up scientific research station