Larawan mula kay Arvin Prado.

Tatlong cellphone ang natangay ng hindi pa nakikilalang suspek nang pasukin nito angg isang bahay sa Zone 4, Abanico, sa Barangay San Pedro, bandang 4 ng umaga ngayong Huwebes, Mayo 5.

Sa panayam ng Palawan News sa tiyuhin ng mga biktima na kinilalang si Arvin Prado, sinabi nitong tatlong pamangkin lang niya ang nakatira sa bahay, na ang dalawa rito ay mga estudyante. Dagdag niya, posibleng minamanmanan sila ng suspek bago nito pinasok ang bahay.

“Feeling namin planado niya na, kasi ang mga bata mga 3 AM na natulog, nagpatay ng ilaw. Para siyang nagmamanman,” pahayag ni Prado.

Ayon naman kay Barangay San Pedro chief tanod Marlon Arias, pinasok ng suspek ang bahay sa pamamagitan ng pagbaklas ng dingding nito.

- Advertisement -

Tinitingnan na din ng mga tanod kung ang suspek sa nasabing pagnanakaw ay ang una na rin nilang naaresto at na-detain sa himpilan ng pulisya, ngunit nakalaya.

“Binaklas ang dingding na buho para makapasok. Madilim kasi ang lugar kaya hindi din makita ang suspek. Pero pinag-aaralan na rin namin kung ito na rin ba ang dating nahuli namin na nakalaya na ngayon,” pahayag ni Arias.

Labis na ikinalungkot ng mga biktima ang insidente dahil ang dalawang Oppo A53 na cellphone na nakuha ng suspek ay ginagamit ng dalawang estudyante sa kanilang pag-aaral.

Maliban dito ay nakuha rin ng suspek ang isang Vivo Y20i cellphone at P1,000.

Previous articleTruth vs. fake news
Next articlePartly cloudy to cloudy skies with rainshowers over Palawan due to easterlies
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.