Isang bahay ang nasunog na naganap sa Purok Bucana, Barangay Iraan sa bayan ng Rizal, dakong 12:15 ng madaling araw ngayong Martes, Enero 25.

Sa imbestigasyon ng Rizal Municipal Fire Station (MFS), nasunog ang bahay na pag-aari ng pamilya Talungag matapos na masipa ng isang miyembro ng pamilya ang gasera habang sila ay natutulog.

“Wala yong asawang lalaki doon, pumunta raw sa laot. Ang nanay lang kasama ang tatlo nilang anak ang nasa bahay. Sa kwento sa amin, nasipa ang ilaw na ginagamit nila at yun ang pinagmulan ng apoy,” pahayag ni SFO1 Anton Labaria ng Rizal MFS.

Ayon pa kay Labaria, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay. Dagdag niya, agad namang nakalabas ang nanay na si Jessa Talungag, kasama ang kaniyang tatlong anak subalit isa sa mga ito ang nagtamo ng first degree burn dahil sa matinding init. Agad namang dinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

“Nasa tabing baybayin ang bahay nila. Medyo malakas pa ang hangin na isa rin sa nagpabilis ng apoy. May sunog sa kaliwang mukha at sa kamay yung isa niyang anak. Dinala naman sa malapit na pagamutan dito sa Rizal,” ani Labaria.

Dagdag niya, tumagal ng mahigit limang minuto ang sunog na tumupok sa buong bahay. wala ring naisalbang gamit ang pamilya.

Samantala, sa kasalukuyan ay inaalam pa ng Rizal MFS ang kabuuang halaga ng pinsala sa nasabing sunog.

Previous articleCity Council approves ordinance lowering penalty fees on motorcycle muffler violations
Next articleProvincial board sets aside new complaint against Danao
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.