SAN VICENTE, Palawan — Isang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayang ito kagabi Linggo, Mayo 16, ayon kay municipal health officer Dr. Mercy Grace Pablico.

Ang bagong kaso ay isang lalaking 29 taong gulang na taga-Barangay Alimanguan. Siya ay walang anumang sintomas at may travel history sa Puerto Princesa city

Ayon kay Pablico, ang pasyente ay sumailalim sa rapid antigen test noong Mayo 10 at nag-positibo ito dahilan para dalahin sa quarantine facility. Mayo 14 nang isinailalim sa RT PCR test at Mayo 16 ng gabi nang matanggap ng Municipal Health Office (MHO) ang positibong resulta nito.

Agad ding nagsagawa ng contact tracing noong Mayo 10, matapos na mag-positibo ang pasyente sa antigen test.

Previous articlePPC to boost testing and vaccination efforts
Next articlePhilHealth releases guidelines for extension of 2020 hemodialysis claims
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.