Ang suspek (pangatlo sa kaliwa) habang nasa istasyon ng pulis sa Bataraza.

Nadakip na ng mga awtoridad ang isa sa anim na armadong kalalakihan na nanloob sa isang tindahan sa Brgy. Bulalacao sa bayan ng Bataraza kagabi, August 29.

Arestado ngayong araw, August 39, ang isang Leomar Revilla Villanueva, residente ng Sitio Salungsong, Brgy. Iraan sa bayan ng Rizal, matapos itong ituro ng may-ari ng isang motorsiklo na sinakyan ng mga suspek sa nasabing nakawan.

“Ang mga suspek dumaan na sila sa likod. Ang motor na Rusi di na nila nakuha. Kaya kaninang umaga, pina verify namin sa Rusi lumabas na ang may-ari ay si Omar Gimbulan taga Rizal,” pahayag ni P/Maj. Dhennies Acosta hepe ng Bataraza Police.

Ang improvised firearm na nakumpiska mula sa isang suspek.

Agad umanong tumungo sa Rizal ang mga operatiba kasama ang biktimang si Eddie Gregorio para puntahan ang address na ibinigay sa kanila ng kumpanya.

Bagama’t hindi kinumpirma ng biktima na kasama nga si Gimbulan sa nasabing nakawan, ay positibong itinuro ni Gimbulan si Villanueva na kinumpirma naman ng biktima.

“Itong suspek na nakuha namin, siya ang mabilis na na-identify ng biktima kasi siya ang tumutok ng baril dito,” ayon pa kay Acosta.

Narekober kay Villanueva ang isang paltik o improvised firearm, dalawang 12 gauge ammo at ilang mga alahas.

Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang manhunt ng mga pulis sa iba pang suspek. Inaasahan din ng mga ito na marerekober ang buong halaga ng pera at ilan pang alahas na nakulimbat ng armadong grupo.

“Sabi ng naaresto natin, naghiwa-hiwalay na sila. Pero hindi pa daw nila na hati hatin ang pera, tuloy tuloy ang manhunt operation natin, kaya umaasa kami na ,makukuha natin ang mga suspek, at mabawi ang halaga ng pera na nakuha nila,” dagdag ni Acosta.


ADVERTISEMENT


Ang mga #PalaParaan, gumagamit ng Suki Card sa pag-claim ng International Remittance para sa libreng Kabayan Protektodo Insurance na aabot ng PHP 20,000! Papahuli ka pa ba? 💪💸
Kaya mga ka-Suki, pumunta na sa pinakamalapit na branch sa’yo at mag-avail ng Palawan Lifetime Suki Card mo! #SulitKapagSukiSaPalawaN💚

About Post Author

Previous articlePNP says skeleton belongs to missing Jovelyn Galleno; NBI continues separate probe
Next articleTropical storm and super typhoon expected to enter PAR
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.