Patay ang isa sa apat na suspek na nanloob kagabi sa karinderya na Ohwhens and Whitney sa Purok Pagkakaisa, Brgy. San Jose, dito sa Puerto Princesa City, matapos siyang aksidenteng mabaril ng kasamahan.

Hindi pa pinapangalanan ang napatay na suspek, ngunit ayon sa Police Station 1 (PS 1) ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), siya ay aksidenteng nabaril ng kanyang kasamahan nang manlaban ang may-ari ng karinderya na si Wilross Balagulan Tecson.

Ang tatlo niyang kasamahan ay nakatakas tangay ang tinatayang nasa P50,000 na halaga ng pera na kita ng biktima.

Ayon sa report ng PS 1, nangyari ang robbery incident bandang 8:30 p.m. ng February 1, subalit naitawag lamang at nai-report ito sa kanila ng 10:55 p.m.

Samantala, ayon sa source ng Palawan News sa lugar, inakala umano ng may-ari na kakain lamang ang mga suspek ngunit nagulat sila ng hindi nagtagal ay naglabas ng baril ang isa at magdeklara ng holdup.

Sinasabi rin ng source na ilang putok ang narinig dahil sa insidente. May dala rin umanong kutsilyo ang mga suspek kaya si Tecson ay nagtamo ng daplis ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahil sa panlalaban sa dalawa sa kanila.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang imbestigasyon na isinasagawa ng PS 1 upang matukoy ang pagkakakilanlan ng napatay at ng mga kasamahan nitong nakatakas.

About Post Author

Previous article38 local tour guides up for DOT accreditation
Next articleNAC subsidiary inaugurates first-ever safety and skills training center in Palawan