- Advertisement by Google -

Patay ang isang motorista habang sugatan naman ang angkas nito matapos silang mabangga ng isang humaharurot na van bandang alas 4 ng hapon, July 22, sa Barangay Sta. Lourdes.

Nakilala ang biktima na si Huynh Cong Ngon, 42 taong gulang, na driver ng motorsiklo, at ang angkas nitong si Nguyen Yan Thien, 46 na taong gulang, pawang mga residente ng Brgy. Mandaragat.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng North National Highway sa nasabing barangay, ay direktang nabangga ng isang humaharurot na delivery van ang likurang bahagi ng kanilang motor. Ang van ay minamaneho ni Jeff Hart Rome Abella Inoferio, 35 taong gulang, at empleyado ng Wide Wide World Express Corp.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ng van ay tumilapon ang angkas na si Thien habang pumailalim naman sa van ang driver na si Ngon.

- Advertisement -

Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima kung saan dineklarang patay ang driver na si Ngon habang sugatan ang angkas na si Thien.

Kakaharap naman ang driver ng van na si Inoferio sa kaso ng reckless imprudence resulting in homicide, physical injury, at damage to property.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleEl Nido locals team up to clean Big Lagoon
Next article11-year old chess wiz from Puerto Princesa aims for national master title
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.