Roxas Accident
Photo from Lilibeth Hilario

Patay ang driver ng isang van habang sugatan ang dalawang pasahero nito kabilang ang isang French national nang maganap ang isang vehicular accident sa Barangay Tagumpay, Roxas, Linggo ng umaga.

Ayon sa spot report ng Roxas municipal police na nakalap ng Palawan News, nangyari ang aksidente sa gitna ng malakas na buhos ng ulan habang ang naturang van ay binabagtas ang national highway patungong Puerto Princesa mula sa El Nido.

Ang driver ng van na nasawi sa aksidente ay kinilalang si Joseph Tingson, habang ang mga nasugatan ay sina Henri Schmitz, isang 56 taong gulang na French national, at si Jellomay Ballason.

Nawalan umano nang control ang driver ng van na naging dahilan kung bakit nag overshoot ito at sa kalsada at bumagsak sa tubig sa tabi nito.

About Post Author

Previous articleProv’l gov’t to address malnutrition, upgrade health workers capability
Next articleWESCOM, PNP confirm China “forcefully” took rocket debris from Philippine Navy
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.