Nabawasan ng 14% o P86 million pesos ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng bayan ng Brooke’s Point para sa taong 2023.

Ito ang sinabi ni Vice Mayor Mary Jean D. Feliciano sa special session ng Sangguniang Bayan Members habang isinasaayos ang proposed budget ng lokal na pamahalaan Huwebes ng Oktubre 20.

Mula sa mahigit P600 million pesos na budget ngayong 2022 ay bumaba ito ng 560, 975, 656.00 na syang pagkakasyahin ng lokal na pamahalaan para sa buong taon ng 2023.

Ayon kay Feliciano, ito umano ay dulot at epekto ng epidemya sa mga nakaraang taon na siyang nag pahina sa mga business establishment kung kayat apektado rin maging ang mga tax collection ng pamahalaang lokal.

Ayon naman kay Mayor Cesareo Benedito Jr, bagamat malaking dagok sa bayan ang pagkabawas ng IRA ay sinisikap ng pamahalaang bayan ng Brooke’s Point na punan ang mga kinakailangan budget para sa bawat departamento upang patuloy na maibigay ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

“Sa ngayon ay inaadjust natin ang budget, at talagang mahirap magadjust dahil napakalaki ang nabawas na 14% o P86 million. Subalit sinisikap natin na mapunan ang mga pangunahing pangangailangan ng bayan” sabi ni Benedito.

About Post Author

Previous articlePuerto Princesa urges businesses to employ senior citizens, PWDs to get tax incentives
Next articleUse of Narra tree extracts as diabetes cure is significant advancement
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.