- Advertisement by Google -

Nauwi sa pananaksak ang isang inuman ng tatlong magkakatropa sa Honda Bay, Barangay Sta. Lourdes, Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, sinaksak ng isang kinilalang Michael Ogaya Herrera, 26, ang dalawa nitong kasamahan. Dati na umano ay may alitan sa pagitan ng suspek at isa sa kasamahan nito na naging dahilan ng mainitang pagtatalo na nauwi sa gulo.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Jose Ordaniel Hisugan Jr., 34, at Jesser Aurino Condesa,30.

Sa gitna daw ng pag tatalo ng dalawa, namamagitan lamang at taga awat lang si Condesa. Hanggang umalis na ang suspek na akala nila ay magpapahinga na ngunit makalipas ang isang oras ay bumalik na ito dala ang itak na ginamit.

- Advertisement -

Photo from PPCPO

“Bumalik ang suspek, tapos bigla na lang sinaksak si Condesa, tapos sinunod niya si Jose (Hisugan), saka tumakas siya agad,” ayon sa source.

Agad na naisugod sa pagamutan ang dalawa, habang naaresto din ng mga barangay tanod at nai-turn over sa Police Station 2 sa Barangay Irawan ang suspek na inaasahang sasampahan ng kasong frustrated murder.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleTourism ‘major pillar’ of economic growth under Marcos
Next articleLTFRB pressed to speed up establishing satellite office in Puerto Princesa
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.