Insidente ng pananaksak sa Brgy. San Pedro, nauwi sa frustrated homicide

Ang mga biktima na unang dumulog sa Police Station 1 ay kinilalang sina Edwin Erum, 24, residente ng nabanggit na lugar, at Jaymark Amil, 22, residente ng Purok Rampano, Bgy. Sicsican.

Wui Chin Chiong, Jr., 29 anyos na sinampahan ng kasong frustrated murder.

Nasampahan na ng kasong frustrated homicide ang 29 anyos na si Wui Chin Chiong, Jr., ang lalaking sumaksak sa dalawang nakaaway nito sa sa Purok Pag-ibig, Barangay San Pedro sa Puerto Princesa noong Enero 17.

Ang mga biktima na unang dumulog sa Police Station 1 ay kinilalang sina Edwin Erum, 24, residente ng nabanggit na lugar, at Jaymark Amil, 22, residente ng Purok Rampano, Bgy. Sicsican.

Sa spot report ng Police Station 1 ay sinasabi na pumunta si Chiong sa bahay ni Erum at hinahanap ang isang Alyas “Ems” na residente din ng lugar. Dito ay nagkasagutan sila ni Amil, na nauwi sa pananaksak. Tumakbo palayo ang suspek subalit hinabol ito ni Erum na kanya ring inundayan ng saksak.

Agad naisugod sa pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng saksak sa dibdib, habang ang suspek ay tumakas ngunit kinabukasan ay boluntaryong sumuko sa Barangay San Pedro.

Nang makausap ng Palawan News ang suspek noong ng umaga ng Enero 19, umamin ito sa nagawang krimen, subalit pinabulaanan niya na siya ang nagsimula ng gulo.

“Pumunta lang po ako sa bahay nila, kasi hihingi lang ako ng pasensya (kay Ems), dahil sa sinama po namin ang asawa niya sa inuman, nagalit siya,” pahayag ni Chiong.

“Bigla nila ako sinugod saka pinagsusuntok. Apat silang nambugbog sa akin, tumakbo na ako tapos hinabol pa nila ako. May dala ako talaga na kutsilyo, pero di ko dinala yon para doon, pinambabalat ko ‘yon ng papaya, kaya dala ko po ‘yon lagi,” dagdag niya.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry