Nagsagawa ng isang information campaign ang Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) katuwang ang El Nido Municipal Police Station (MPS) at iba pang ahensya sa Barangay Teneguiban sa bayan ng El Nido noong araw ng Miyerkules, Abril 28, para ibahagi ang masamang epekto ng paggamit ng iligal na droga at ang panganib na dulot ng terorismo sa pamayanan.

Ang programa ay isinasagawa alinsunod sa pagpapatupad ng Executive Order no. 70, series 2018 laban sa insurhensiya.

Ayon kay Cpt. Dennis Sadlay, Civil Military Operations (CMO) officer ng MBLT-3, nakahanda silang alalayan ang mga kabataan para makaiwas sa anumang masamang gawain.

“Tandaan natin ang tinuran ng ating Pambansang Bayani, na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” kaya’t nararapat natin silang pangalagaan at bigyan ng matibay na pundasyon tungo sa pagiging mabubuting mamamayan. Sa lahat ng mga Palaweño na aming pinaglilingkuran, katuwang niyo kami sa lahat ng mabubuti at magagandang layunin tungo sa isang matiwasay, mapayapa, matatag at maunlad na pamayanan,” pahayag ni Sadlay.

Previous articleMIATF ng Sofronio Española, muling nanawagan ng pakikiisa upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan
Next articleClearing operation sa ilog ng Brgy. Kemdeng, San Vicente, isinagawa
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.