May kabuuang 327 indigent senior citizens at 27 persons with disability (PWD) sa bayan ng Sofronio Española ang nakatanggap ng social pension at allowance na ipinamahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) noong September 7-10
Ang pension at allowance ay mula sa programa ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan para sa mga nakatatanda at mga may kapansanan na pinangangasiwaan ng PSWDO.
Sa datos na inilabas ng PSWDO noong September 13, may kabuuang P490,500 ang naipamahagi nito para sa senior citizens sa bayan habang nasa P169,000 naman ang para sa mga PWD.
“Hangad ng pamahalaang panlalawigan ang patuloy na pagkalinga at pagmamalasakit ng mga lolo at lola at sa mga kababayan nating may kapansanan sa buong lalawigan,” bahagi ng mensahe mula sa PSWDO.

Naging katuwang naman ng PSWDO ang lokal na pamahalaan ng Sofronio Española sa pamamagitan ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para sa mahigit na pagpapatupad ng health and safety protocol laban sa banta ng COVID-19.



