Makikita si incumbent San Vicente Mayor Amy Alvarez (panglima mula sa kaliwa) kasama ang kanyang running mate na si Ramir Pablico sa pagka bise mayor at ang mga kakandidato bilang municipal councilors

SAN VICENTE, Palawan — Alas sais nang umaga dumating ang grupo ng incumbent mayor na si Amy Alvarez sa Municipal COMELEC Office para sa pagpa-file ng kanilang certificates of candidacy sa ilalim ng lokal na Partidong Pagbabago ng Palawan (PPP)

Pormal na nag-sumite si Alvarez ng kanyang certificate of candidacy kasama ng kanyang magiging running mate sa pagka-bise mayor na si Ramir Pablico ngayong Biyernes, Oktubre 1.

Kasama din ang ibang kandidato na tatakbo bilang municipal councilors na sina PJ Acosta, Cesar Caballero, Marvin Ballesteros, Evangeline Maagad, Menchie Libarra, Honorio Alejano, Teodolo Varquez, at Ronnie Hikilan

Si Pablico na ngayon ay magiging running mate ni Alvarez ay nais umanong suportahan ang mga programa at proyekto na nasimulan ng huli dahil sa kagustuhan din ng maraming mamamayan base sa isinigawa nilang konsultasyon.

Aniya, ang susuportahan niya ay ang health and education, at ang livelihood projects na kailangan ng mga residente ng San Vicentre.

“Una, para patuloy na suportahan ang mga programa ng ating kagalang-galang na mayor, lalo na sa health, education at mga livelihood na kailangan ng ating mga kababayan sa panahong ito ng pandemic at iba pang mga magagandang mga programang makakatulong sa pag-unlad ng ating mga bara-baangay,” pahayag ni Pablico. 

“Pangalawa, ay napapanahon na rin na lumaban tayong bise mayor dahil sa mahaba na rin nating paglilingkod bilang opisyal ng ating bayan at panghuli ay nagkaroon tayo ng consultation sa mga leaders natin kung puwede na ba tayong lumaban bilang bise mayor at naging positibo naman ang kanilang pagtugon,” dagdag ni Pablico.

About Post Author

Previous articlePromo exclusives for teachers at SM
Next articleCDCPH asks DOH to specify criteria in determining “credible” studies, experts for Ivermectin use
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.