PN File

Isang resolusyon na humihiling kay Mayor Otol Odi na ipagkaloob na ang one time P5,000 cash incentive para sa mga senior citizen ng munisipyo ang ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Rizal.

Kasama sa kahilingan ay ang implementasyon din ng ordinansa hinggil sa pagbibigay ng isang beses din na P10,000 para sa mga mag-asawang senior citizen na lagpas 50 taon nang nagsasama.

Ayon kay Vice Mayor Norman Ong, mahigit isang taon na ang batas para sa pagbibigay cash incentives ngunit hindi pa ito naipagkakaloob sa mga senior citizen ng kanilang bayan, kaya ipinasa nila noong Setyembre 2 ang Resolution No. 2021-192 para ipadala sa tanggapan ni Mayor Odi na inaasahang for “immediate implementation” base sa Senior Citizens Ordinance 2020-02

“Hindi tayo ang makikinabang dito kundi ang mga matatanda nating mga kababayan na nagangailangan nang aruga at upang may maipambili man lamang ng kanilang bitamina, pagkain, o kung ano pang mga kailangan nila,” sabi ni Ong sa Palawan News noong Biyernes, September 3.

- Advertisement -

Sa pahayag ni Ong, noong buwan pa ng Pebrero 2020 naipasa ang ordinansa at halos isang taon na ay hindi pa rin naipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Rizal.

Aniya, mahalaga ang pagpapatupad ng nilalaman ng ordinansa para sa mga senior citizen dahil ang cash incentives ay magiging malaking tulong sa kanila lalo na ngayon na may pandemya.

Previous articleOutpatient department ng SPPH pansamantalang isinara
Next articleLimitadong ‘face-to-face’ classes sinimulan na ng IBSMA Pinamalayan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.