Nov 29, 2020

Iligal na tupada sa Sta. Lourdes, na-raid ng pulis

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Arvin Dela Cruz, construction worker, at Dennis Greganda Dizer, residente ng nabanggit na lugar.

Mga larawan mula sa Police Station 2

Dalawang tao ang inaresto ng City PNP noong Linggo, October 18, dahil sa iligal na tupada na ginanap sa Sitio Mainit, Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Arvin Dela Cruz, construction worker, at Dennis Greganda Dizer, residente ng nabanggit na lugar.

Ayong kay PMAJ Edgar Salazar, station 2 Chief of Police, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen tungkol sa iligal na patupada at kanilang inimbestigahan.

Ayon kay Salazar,  mabilis na nakatunog ang mga tao at bago pa lang sila makapasok sa looban kung saan ang tupada ay mabilis na nagpulasan ang mga ito.

“Sa bilis na nakatunog agad ng mga manlalaro doon sa area, kaya dalawa lang ang nahuli natin. May isa pa tayong hindi nahuli, pero bagamat nakaiwan siya ng ID doon sa lugar ay sasampahan din natin siya ng kaso,” ani Salazar.

Nasa kustudiya na ng pulisya ang dalawang nabanggit habang inihahanda ang kasong illegal gambling na isasampa laban sa kanila.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry